Kagandahan ng Paris

Ang Paris  ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Pransiya, na matatagpuan sa pampang ng Ilog Sena, sa hilagang Pransiya, sa kalagitnaan ng rehiyong Pulo ng Pransiya (o Rehiyong Parisino). Ang lungsod ng Paris, na ang mga hangganang panlungsod nito ay hindi nagbago simula noon taong 1860, ay may tinatayang populasyon na 2,193,031 (Enero 2007), ngunit ang Kalakhang Paris ay may populasyon na 11,836,970 (Enero 2007), at ito isa sa mga pinakamataong kalakhan sa Europa

The Toreng Eiffel  ay isang toreng bakal na itinayo sa Champ de Mars sa tabi ngIlog Sena sa Paris. Naging isang sagisag na pagkakakilanlang pandaigdig ito ng Pransiya at isa sa mga tanyag na gusali sa mundo. Isa rin ito sa mga pinakamataas na tore sa buong mundo. Simbolo ito ng atraksiyong panturista, dayuhan man o mula rin sa Pransiya.


 Isa sa mga pinakamatayog na gusali sa Paris ang pook pasyalang ito at isa sa agad-agarang nakikilalang kayarian sa mundo na ipinangalan sa kaniyang manlilikha ng disenyong si Gustave Eiffel, isang inhinyero. May 6,719,200 na mga mamamayang pumasyal dito noong 2006 at mahigit sa 500,000,000 magmula pa noong itayo ito Samakatuwid, ang toreng ito ang pinakapapasyalang bantayog na may-bayad sa mundo. Kabilang ang 24 m (79 talampakan) na mga antena, umaabot ang istruktura sa 325 m (1,063 talampakan) taas (mula pa noong 2000), na katumbas ng mga 81 palapag sa isang pangkaraniwang gusali.
Nang makumpleto ang tore noong 1889, napalitan nito ang Bantayog ng Washington bilang pinakamataas na tore sa buong mundo — isang pamagat na inangkin nito hanggang 1930 kung kailan natapos ang pagtatayo ng Gusaling Chrysler ng Lungsod ng New York(319 m — 1,047 talampakang taas). Sa ngayon, ito ang ika-limang pinakamatarik na kayarian sa Pransiya at ang siyang pinakamataas na istruktura sa Paris; pumapangalawang pinakamataas ang Tour Montparnasse (210 m — 689 talampakan), bagaman malalampasan na iyon ng Tour AXA (225.11 m — 738.36 talampakan).
May timbang na 7,300 tonelada ang istruktura ng Toreng Eiffel. Depende sa temperaturang pangkapaligiran, maaaring umiwas mula sa araw ang tuktok ng tore hanggang sa mga 18 sentimetro (7 pulgada) dahil sa paglobo o paglawig bakal sa bandang gilid ng araw. Umuugoy din ang toreng pasunod sa hangin ng may 6-7 sentimetro (2-3 pulgada).
Mapupuntahan ang una at ikalawang palapag sa pamamagitan ng mga hagdan at mga elebeytor. May bilihan ng bilyete sa katimugang paanan ng tore kung saan matatagpuan din ang hagdanang papanik sa tore. Sa unang plataporma, nagpapatuloy ang mga hagdan pataas mula sa silangan ng tore; mararating lamang ang ikatlong palapag sa pamamagitan ng asensor. Kapag narating mo na ang una o ikalawang plataporma, bukas ang mga hagdanan para sa sinumang ibig pumaitaas o pumaibaba, na hindi sinisiyasat kung ang bayad ng turista ay para sa isang tiket na pang-elebeytor o panghagdan. Kabilang sa kabuang bilang ng mga hagdan ang 9 na mga hakbang patungo sa tindahan ng tiket sa paanan ng tore, 328 mga hakbang papunta sa unang palapag, 340 mga hakbang parating sa ikalawang antas at 18 mga hakbang patungo sa plataporma ng elebeytor na nasa ikalawang baitang. Kapag lalabas mula sa elebeytor sa ikatlong antas, may dagdag na 15  pang mga hakbang para makapanik sa pang-itaas na platapormang pangmasid. Palagiang nakaukit ang bilang ng hakbang sa gilid ng mga hagdanan upang makapagulat ng progreso sa taong pumapanik. Walang balakid sa pagtingin sa lokasyon na dagliang nasa ilalim at nasa paligid ng tore ang kabuoang iginugugol na panahon sa pagakyat, maliban na lamang sa mga ilang saglit na panahon kung saan nalulukuban ang mga bahagi ng hagdanan.
Kinabibilangan ang pangangalaga ng tore ng pagpapahid ng mga 50 hanggang 60 toneladang pintura bawat pitong taon upang mapananggalang ito mula sa kalawang. Para mapanatili ang iisang anyo nito para sa mga tumatanaw mula sa lupa, tatlong magkakahiwalay na timpla ng pintura ang ginagamit para sa tore, na ang pinakamadilim na timpla para sa ibaba, at ang pinakamapanglaw para sa itaas. Kung minsan binabago ang kulay ng pintura - sa ngayon pinintahan ito ng kulay na kayumangging-abo. Sa unang palapag, may mga aparatong interaktibo na humihingi ng mga mungkahing boto upang malaman kung ano ang gagamiting kulay para sa mga susunod na panahon ng pagpipinta rito. Kabilang sa mga naglingkod bilang arkitekto ng Toreng Eiffel sina Emile Nouguier, Maurice Koechlin at Stephen Sauvestre.


Mga Komento